DEPED Bicol personnel 76% na ang total vaccinated

LEGAZPI CITY – Halos naabot na rin ng Department of Education (DEPED) Bicol ng heird immunity sa pagbabakuna laban sa covid 19. Ayon kay Mayflor Jumamil, ang Regional Spokesperson ng nasabing tanggapan, aabot sa 76% ang total fully vaccinated na mga teaching and non teaching personnel sa Bicol Region.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Aniya, halos sobra sa kalahating porsyento na ang nababakunahan sa tanggapan.

Patuloy pa rin ang pagpapabakuna sa mga guro at non-teaching personnel sa nasabing rehiyon.

Hinikayat rin nito na magpabakuna na ang mga guro dahil sa magkakaroon ng implementation expanded ng limited face to face classes sa susunod na taon.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sinabi ng opisyal, hindi pa masabi ng ahensya kung ilang paaralan sa Bicol ang madagdag sa listahan para sa face to face classes.