DOH nagsimula na sa regular na pag-uulat sa mga firecracker related injuries

Sisimulan na ngayong araw ng Department of Health ang regular na pag-uulat at monitoring sa mga firework related injuries o mga kasong may kinalaman sa paputok.

Inihayag ni DOH Spokesman Usec. Rosario Vergiere na magtatagal ang FRI survielance mula Dec. 21 hangang Jan. 6, 2022.

Read More:  LTO recommends license revocation for driver of Porsche linked to Derek Ramsay

Sa naturang period mangangalap ang DOH ng mga datus at kaso na may kaugnayan at iuulat ito kada araw.

Ikukumpara din ng kagawaran ang mga datus ng mga kaso ng paputok sa nakalipas na taon.

Read More:  Filipinos in Riyadh safe after reported explosions — DMW

Mahigpit naman ang paalala ng DOH sa publiko na hanga’t maari ay iwasan ang paggamit ng paputok sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon upang makaiwas sa peligro.