SORSOGON CITY – Nilimitahan ng Sorsogon Provincial Hospital (SPH) ang kanilang serbisyo medikal sa panahon ng pandemya, ito ang inilahad sa Brigada News ng Chief for Operations na si Dr. Roberto Chacon Jr.
Aniya, kabilang dito ang ‘telemedicine’ na isang uri ng malayuang pagbibigay ng pangangalagang medikal na ginagawa sa pamamagitan ng video chat.
Sa pamamagitan nito, masusuri ng health care provider kung ang pasyente ay nangangailangan ng personal na gamutan. Magbigay ng reseta sa mga gamot na kaya mabili over the counter.
Ang telemedicine ay kapaki-pakinabang kapag ang pasyente ay hindi kayang pumunta ng personal sa pagamutan at kung kailangan nito ng physical distancing.

Sa panahon ng pandemya, malaki ang maitutulong ng telemedicine lalo na sa taong takot lumabas ng bahay.
Siguraduhin lamang na maibibigay sa doktor ang tamanag impormasyon tungkol sa nararamdaman upang mabigyan ng tamang gamot o paraan ng paggamot.
Ayon pa kay Dr, Chacon, ang mga pasyenteng hindi naman kritikal ang kalagayan ay sa district hospitals na lamang iko-confine at magbibigay na lamang ng payo o instruksyon ang SPH kung kinakailanagan.
Ang mga hakbang na ito ay upang protektahan hindi lamang ang mga personahe ng ospital kundi maging ang mga pasyente na rin.