CAMARINES NORTE- Nag- iwan ng tinatayang nasa P18, 750, 500.00 na halaga ng pinsala ang bagyong Paeng sa fishery sector sa lalawigan ng Camarines Norte.
Batay sa summary of damage and loss assessment report for fisheries ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), pangalawa ang Camarines Norte sa mga lalawigan sa Bicol Region na pinaka- naapektuhan kung saan apektado ang nasa 154 fisherfolks.
Ito ay makaraang masira ang ilang mga bangka, fish ponds at fish cages dahil sa hagupit ng bagyo.
Pinakamalaki ang naitalang pinsala sa Aquaculture na nagkakahalaga ng P16, 720, 500.00 kung saan apektado ang nasa 71 fisherfolks.
Sa capture naman ay nasa 2, 030, 000.00 ang nasira at naapektuhan ang kabuhayan ng nasa 83 fisherfolks.
Siyam sa labingdalawang bayan ang nakapagtala ng pinsala.
Sa Sta Elena ay nasira ang ilang mga bangkang pangisda, fishpen, fishpond, fishcages, fish corals at crab pots.
Fish cages at bangkang pangisda naman ang nasira sa Jose Panganiban habang sa Basud ay fish cages at fishpond.
Fishpond din ang napinsala sa Labo at Daet at mga bangkang pangisda at fishing gears naman sa Vinzons.
Ilang bangkang pangisda, fishpond, fish corals at stationary lift nets ang nasira sa Mercedes habang fishpond at ilang bangkang pangisda din ang napinsala sa Talisay.
Sa buong Bicol Region ay aabot sa P67, 697, 915. 87 ang naitalang pinsala kung saan apektado ang kabuhayan ng nasa 1, 516 fisherfolks.
Ang Masbate ang nagtala ng may pinakamalaking pinsala na nagkakahalaga ng P25, 118. 400.00 kung saan apektado ang nasa 375 na fisherfolks.