DepEd at ilang ahensya ng gobyerno, tatanggap pa rin ng dagdag-pondo sa 2024 proposed national budget

Madaragdagan pa rin ang pondo ng ilang ahensya ng gobyerno na tinanggalan ng Kamara ng confidential funds sa ilalim ng 2024 proposed national budget.

Ito ang paglilinaw ni House Appropriations Committee Senior Vice Chairperson at Marikina City Second District Representative Stella Quimbo kasunod ng inanunsyong institutional amendments ng binuong “small committee” para sa panukalang budget.

Sa ipinatawag na press briefing, sinabi ni Quimbo na bibigyan ng 150 million pesos ang Department of Education na bahagi ng Maintenance and Other Operating Expenses para sa government assistance sa mga mag-aaral at guro sa private education.

Naglaan din ang Kongreso ng dagdag-pondo sa MOOE ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na nagkakahalaga ng 30 million pesos, 25 million pesos para sa DICT, 30 million pesos sa Department of Foreign Affairs at 50 million pesos para sa Office of the Ombudsman.

Mananatili naman ang confidential funds sa budget ng ilang ahensya na ang mandato ay pagsasagawa ng surveillance activities tulad ng Department of Justice at Bureau of Customs.

Samantala, idinagdag ni Quimbo na may mga ahensyang naapektuhan ng realignment ng pondo o iyong mga “errata” sa ilalim ng General Appropriations Bill bagama’t hindi na pinangalanan dahil sa dami at walang epekto sa total ceiling.

READ MORE:

Confi funds ng OVP at DepEd, tuluyan nang tinanggal!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *