Department of Agriculture, hihirit ng dagdag na pondo para sa 2025

Iaapela ng Department of Agriculture na madagdagan ang panukalang pondo nito sa susunod na taon.

Sa budget briefing sa House Committee on Appropriations ngayong araw, nabatid na 200.1 billion pesos lamang ang budget ng DA na nakapaloob sa 2025 National Expenditure Program at mas mababa kumpara sa 213 billion pesos mula sa General Appropriations Act ngayong taon.

Inusisa ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee kung sasapat ang proposed budget ng DA upang maisakatuparan ang lahat ng programa at proyekto para sa kapakanan at mga magsasaka at mangingisda at maitaas ang food production.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, kukulangin talaga ang budget lalo’t ang hiniling sana nila sa 2025 ay 513 billion pesos.

Hihirit aniya ang ahensya pagdating sa bicameral conference committee na kung hindi man mapagbigyan ang original proposal ay kahit maging 250 billion pesos na lang.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sakali namang hindi pa rin maging sapat ang pondo, ipinaliwanag ni Laurel na plano nilang mag-reallocate ng pera kung saan tututukan ng DA ang underperforming areas na may mahinang produksyon o di kaya’y bubuhusan ang mga lugar na malakas ang ani.

Bukod sa 2025 budget, dedepende ang DA sa revenue generations tulad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.