Pirmado ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang guidelines para sa salary increase ng mga government employee.
Sa press briefing, sinabi ni Pangandaman na pwede nang ipatupad ang first tranche ng salary adjustment ngayong buwan.
Naka depende naman anya sa bilis ng mga human resources ng mga ahensya ng pamahalaan ang maagang pagkakaloob ng umento sa sahod ng mga government employee.
Pwede raw muna nilang gamitin ang existing na Personal Services Budget, at kung magkukulang pwede ring kunin muna sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund.
Ilalabas naman bukas, August 13 ang guidelines para sa pagpapatupad ng first tranche. Samantala ang dagdag sahod ng mga kawani ng pamahalaan ay retroactive mula January 2024.