Umaapela ang Department of Environment and Natural Resources sa publiko na tumulong at makiisa para maging plastic-free ang mga coastal areas sa rehiyon.
Ito ay sa pamamagitan ng tamang paghihiwa-hiwalay ng mga basura at pagbabawas sa paggamit ng mga single-used plastic.
Sa datos ng DENR Region 3 noong nakaraang taon base sa mga isinagawang coastal clean-up sa Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga at Zambales ay umabot sa 37,170 kilo ng iba’t ibang basura ang nakolekta.
Karamihan umano dito ay upos ng sigarilyo, food wrappers, botilya, straw at mga plastic wares kaya panawagan ng departamento sa lahat na makiisa sa kampanya para iwas rin sa polusyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: DENR Central Luzon
