17 mga fully vaccinated na ng COVID-19 vaccines napasama sa 53 mga bagong naitalang nagkasakit sa lungsod ng Naga

NAGA CITY – Hindi pa pinalampas ng Corona Virus  ang 17 mga individual na fully vaccinated na ng COVID-19 vaccines sa Naga City.

Ang 17 ito ay napasama sa 53 naitalang bagong kaso ng COVID-19 na inilabas kagabi ng City Health Emergency Response Task Force o HERTF.

Sila ay nakaramdam ng mild at moderate symptoms at ang iba naman ay asymptomatic subalit may closed contact sa may virus.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang mga ito ay mga naninirahan sa mga barangay ng Peñafrancia, Tinago, San Felipe, Dayangdang, Pacol, Concepcion Grande, Sabang, Calauag at Abella.

Samantala, may 6 namang pulis ang napasama sa mga nag positibo na pawang mga asymptomatic lamang subalit may closed contact sa may virus.

Ang bank manager ang 47 taong gulang na babae na taga Barangay Concepcion Grande, may mild symptoms siya at siya ay fully vaccinated na. BPO employee naman ang 34 taong gulang na babae at taga Concepcion Grande rin.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

May pito namang bata at menor de edad na napasama sa talaan na lahat naman ay mga asymptomatic.

Sa mga bagong kasong ito, 12 sa kanila ay asymptomatic, 31 nakaranas ng mild symtomps at 10 naman ang moderate symptoms.