Hinihikayat ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Central Luzon ang mga kabataang nasa edad 7 hanggang 12 na lumahok sa “Make Your Own Toy Contest”ng kagawaran.
Ito ay para maturuan ang mga bata na maging malikhain sa pamamagitan ng paggawa ng laruan mula sa plastic bottles, straws, at iba pang recyclable materials.
Ayon sa DENR, hanggang Nobyembre 26 lamang ang deadline ng submission ng entries sa official page ng opisina.
Samantala, makakatanggap ng 20,000 pesos ang national grand champion habang 2,500 naman sa regional winners.//Arjay Supe-BNFM Olongapo
