DENR maglulunsad ng Community Pantry sa susunod na linggo

CAMARINES NORTE- Maglulunsad ng isang community pantry ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lalawigan ng Camarines Norte sa June 25 ng taong kasalukuyan.

Pero hindi tulad ng mga pantries sa iba’t- ibang bahagi ng bansa na ang mga ino- offer ay pagkain, mamamahagi ang DENR ng mga seedlings upang i- promote ang urban gardening and planting.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ang mga recipient ay papayuagang magdala o magbitbit ng mga fruit- bearing trees seedlings at vegetable seedlings depende sa available stocks ng opisina.

Ang proyekto na may temang “Magtanim ayon sa Kakayahan, Umani ayon sa Pangangailangan” ay may kaugnayan din sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month and Arbor Day sa June 25, 2021 ng DENR-PENRO na gaganapin sa Barangay Pamorangon dito sa bayan ng Daet.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang proyekto ay “inspired” ng iba’t- ibang community pantries na nagsimulang lumaganap sa iba’t- ibang bahagi ng bansa para tulungan ang mga nangangailangan.