26 na napaulat na tinamaan ng COVID-19 sa Naga  City nitong sabado , lahat na nakarekober; Maraming Economic Activities asahan

NAGA CITY-  26 ang COVID-19 cases sa Naga City sa tala ng Department of Health- Bicol noong Sabado ngunit ayon sa Health Emergency Response Task Force (HERTF) ang mga ito ay gumaling na.

Ayon kay City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO Chief Allen Reondanga na miyembro rin ng HERTF ang lahat ng ito ay gumaling na dati nang mga kaso, nakasama lamang sa reporting dahil nalagyan ng patient code. Dati nang naiulat , mga nagpatest sa pribadong testing facilities subalit hindi noon nabigyan  ng local code.  Malinaw na noong Sabado, walang bagong aktibong kaso.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Umaasa ang lokal na pamahalaan ng Naga na tuloy-tuloy na ang pagrekober ng lungsod at babalik na sa normal pati ang pagnenegosyo.  May mga plano na rin ang Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) sa pagbuhay muli ng pagnenegosyo, trabaho at turismo sa Naga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inihayag sa publiko sa pamamagitan ng CEPPIO ni MNCCI President Dr. Mario Villanueva na buo ang tiwala nilang oras na upang magsimula ng economic activities.