BICOL – BILANG bahagi ng isinusulong na kampanya na pagpapaigting sa environmental protection, alok ngayon ng Environmental Management Bureau (EMB) ang libreng emission testing para sa mga government-owned vehicles ngayong buwan.
Ayon kay Jacinth Tacuyan, Information officer ng EMB-Bicol, buong buwan ng Nobyembre, simula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon, magbubukas ang kanilang motor pool para sa free emission testing ng lahat ng uri ng sasakyang pag aari ng gobyerno.
Layon umano nitong makatulong para mabawasan ang polusyon sa hangin at magsilbing magandang halimbawa sa iba pang mga drivers at operators ng mga pampublikong sasakyan.
Paliwanag nito, ang ‘smoke belching’, bukod sa nakakapinsala ng kalikasan at may hatid din panganib sa kalusugan ng tao kung kayat mahalaga ang pagiging responsableng car owner.
Ang carbon emission or footprints ng mga sasakyan ay nagsisilbing umano kasing ‘triggering factor’ ng global warming, climate change o pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo gayundin ng samu’t saring human illnesses.
Gayunpaman, wala umanong naitalang violations ang EMB sa mga ikinasang surprised inspections sa rehiyon noong taon sa kabila ng pagiging limitado ng transportation service dahil sa covid-19 pandemic.
Bukod naman sa ‘free emission testing’ ng EMB ngayong Nobyembre, mag aalok din umano ang ahensya ng 10% discount para sa maintenance services ng mga sasakyan sa mga piling autoshop sa lungsod ng Legazpi at Naga.