DENR Cagayan Valley, umapela ng tulong sa law enforcement agencies upang matigil na nag illegal logging activities

Umapela ng tulong ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 sa mga law enforcement agencies upang matigil na ang illegal logging activities sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang inihayag ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan kasabay ng inagurasyon ng Cagayan Valley Product Monitoring Station sa Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang naturang istasyon ay pinondohan ng 1.5 milyon pesos kung saan kabilang sa naayos ang Information Center, staff house facilities at storage area.

Bukod dito, hiniling din ni RED Bambalan na paigtingin pa ang operasyon kontra illegal logging at tukuyin kung saan idadala ang mga illegal na nilagaring kahoy.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, upang mas mapaigting pa ang forest protection at anti-illegal logging campaign ay nagtalaga na ng checkpoint sa Malico, Sta. Fe at Pinkaya, Kayapa.

Ito ay upang agarang masawata ang mga indibidwal na sangkot sa pagdeliver ng mga forest products na walang kaukulang dokumento.