Operasyon laban sa maiingay na tambutso dapat pagtulungan-LTO Bicol

NAGA CITY-Sa mga susunod na araw o buwan magkakasa ng operasyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office o LTO Bicol laban sa mga maiingay ang tambutso o modified muffler sa Camarines Sur.

Ito ang tugon ni LTO Bicol Regional Director Franz Ranches Jr., matapos maipaabot sa kaniyang kaalaman ang reklamo ng mga residente sa Libmanan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Ranches, mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng batas ang modipikasyon ng motorsiklo lalo na na kung ito ay nakakaperwisyo sa katahimikan ng komunidad.

Dagdag pa nito, maaari namang manghuli ang mga LGU sangayon sa kanilang ipinasang ordinansa ukol dito. Dapat aniya nagtutulungan ang mga LGUs at LTO sa operasyon dahil kung LTO lamang ang gagalaw kulang sa tao at sa oras. Hinid nila nababatayan bawat bayan. Sa ngayon, hindi maaaring isapubliko kung kailan gagawin ang operasyon upang hindi makatunog ang mga pasaway na rider at para tuluyan na itong masawata sa nasabing lugar

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026