Caretaker, natagpuang patay sa kanyang baracks sa Aurora Isabela

Patay na nang matagpuan ang isang caretaker sa tinutuluyang barracks sa Brgy. Sta. Rita Aurora Isabela noong umaga ng Octubre 3, 2022.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Jenifer Alfuerte, mula pa sa Dumaguete City at humigit kumulang labing-limang taon (15) na nagtatrabaho bilang katiwala sa isang warehouse.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Sa imbestigasyon ng PNP Aurora, nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa natagpuang wala nang buhay na katawan ni Alfuerte sa kanyang barracks.

Kinakatok umano ng dalawang trabahador ang warehouse na tinitirhan ni Alfuerte pero hindi sila agad pinagbuksan.

Nagdesisyon na akyatin ang warehouse at dito nakita ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Narekober ng kapulisan ang ibat-ibang gamut na reseta ng doctor sa biktima.

Lumalabas sa isinagawang post morterm examination ng kapulisan na stroke ang dahilan ng pagkamatay ni Alfuerte.Caretaker, natagpuang patay sa kanyang baracks sa Aurora Isabela