DENR Bicol, personnels na lumahok sa DRR quick response, inaasahang magsusumite ng kanilang disaster action plan

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng pagsasanay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol sa pamumuno ni Regional Executive Director, Francisco Milla, Jr., sa pakikipagtulungan ng Office of the Civil Defense (OCD) Regional Disaster Risk Reduction Management Division (DRRMD) sa Disaster Risk Reduction and Management para sa DENR Quick Response Teams.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa tanggapan, sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mga lumahok ay inaasahang magsusumite ng kanilang Disaster Action Plan sa kani-kanilang opisina.

Ang pagsasanay na dinaluhan ng mga kalahok mula sa regional at field offices ay naglalayong masangkapan at bigyang-kapasidad ang DRR focals sa pagtugon at pamamahala ng mga aktibidad pagkatapos ng kalamidad. 

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Samantala, patuloy na binibigyan ng ahensya ang mga tauhan nito ng kaalaman at kasanayan sa sakuna sa pamamagitan ng mga aktibidad sa paghahanda upang mabawasan ang panganib, malubhang pinsala o kamatayan sa panahon ng mga ito.