DENR Bicol humiling sa SB Basud na makapagpresinta ng BRB at PAPs Master Plan

CAMARINES NORTE – Humiling sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maiprisenta  ang Bicol River Basin (BRB) master plan at Programs, Activities and Projects PAPs).

Batay sa sulat ni Regional Executive Director Francisco Milla Jr., sa SB, ito ay may kaugnayan sa patuloy na popularization ng Integrated Bicol River Basin Management and Development Master Plan (IBRBMDMP)  sa BRB stakeholders at partner agencies.

Isa umano sa mga stratehiya ng DENR ay i- harmonize ang Programs, Activities and Projects na nakapaloob sa Master Plan sa existing plans ng mga Local Government Unit na magsisilbi ring investment opportunity.

Hiling ng departamento na mai- present ang BRB Master Plan and PAPS sa konseho o sa Local Development Council meeting.

Ang BRB ay sumasakop sa tatlong probinsiya sa Bicol, ang Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.

Ang Integrated Bicol River Basin Management and Development Master Plan ay magtatakda ng guidance sa interventions at investments sa water resources and watershed management, biodiversity conservation, land use, climate change adaptation at disaster risk management, livelihoods and iba pang economic activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *