Canoreco isa sa mga Electric Cooperative sa bansa na may lowest residential rate  noong Mayo

CAMARINES NORTE – Isa pa rin ang Camarines Norte Electric Cooperative sa may pinakamababang residential rates sa bansa noong Mayo.

Ito ay sa kabila ng bahagyang pagtaas ng power rates na babayaran ng mga konsumidores para sa May 2024 billing kung saan ang residential rate ay Php 9.8045 per kWh kumpara sa Php 9.7232 per kWh noong nakaraang April 2024 rate.

Gayunman, hindi nakasama sa listahan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association o Philreca ang Canoreco sa mga Electric Cooperative sa buong bansa na nag- oofer ng pinakamababang  residential rates para sa buwan ng Mayo.

Batay kasi sa report ng Philreca na inilabas nitong Miyerkules, June 19, 2024 ang kabilang sa may lowest residential rates ay ang DIELCO,MASELCO, MARELCO, PROSIELCO AT BATANELCO.

Sa mga nabanggit na EC ang DIELCO o Dinagat Island Electric Cooperative, Inc ang nag- ooffer ng lowest residential rates para sa buwan ng Mayo sa P10. 5631/kWh na mas mataas naman sa Canoreco.

Ang datos ay nakalap ng Philreca mula sa 98 sa 121 na Electric Cooperative sa buong bansa sa pamamagitan ng kanilang official facebook page o website.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *