Delta Variant, posibleng nakapasok na sa munisipyo ng San Vicente-Municipal Health Office

May posibilidad umano ngayon na nasa bayan na ng San Vicente, Palawan ang isa sa variant of concern na Delta Variant.

Ayon sa mensahe na Ipinadala ng MHO ng San Vicente Sa Brigada News, ito ay dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng Covid19 na naitatala  sa bawat araw.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ngunit sa ngayon ay hindi pa ito matiyak ng MHO-San Vicente dahil hindi pa umano tumatanggap ng specimen ang mga accredited na laboratoryo sa Manila.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Base sa huling record, umabot na sa 934 na ang tinamaan COVID 19 at nasa 141 ang aktibong kaso ngayon ng Covid-19  ang buong bayan ng San Vicente.