Sugatan ang dalawang indibidwal matapos na aksidenteng mabangga ng pampasaherong shuttle van sa kahabaan ng National Highway ng Bgy Bato-bato sa Bayan ng Narra Palawan, ganap na 7:45 ng gabi ng Huwebes, ika-28 ng Oktobre.
Kinilala ang mga biktima na sina Simeon Cortez Abellera 58 anyos, at Joselito Delista Doctora , 49 anyos , pawang mga residente ng Bgy. Bato-bato sa nasabing bayan.
Habang kinilala naman ang drayber ng Toyota hi-ace na shuttle van na si Argele Marcos Caputilla, 38 anyos at residente ng Bgy. Alfonso XIII, Quezon Palawan.
Base sa imbestigasyon, Galing sa lungsod ng Puerto Princesa si Caputilla Dala Ang minamaneho nitong van patungo sa bayan ng Quezon at habang binabaybay Ang kahabaan Ng national highway ng Bgy Bato-bato ay aksidente nitong nabangga Ang mga biktima na naglalakad sa gitna na bahagi ng kalsada.
Nagtamo Ang mga biktima ng sugat sa ibat ibang bahagi Ng katawan pero agad silang nadala sa ospital
Napag Alaman naman na nasa impluwensya ng alak o mga lasing ang mga biktima.