Delayed approval ng Department of Overseas Filipinos bill, isinisi sa turf war

Naniniwala si Senator Imee Marcos na ang turf war sa pagitan ng ilang ahensya ng gobyerno ang dahilan ng pagkakaantala sa pagpasa ng Senado sa panukala na bubuo sa isang departamento para sa overseas Filipinos.

Ipinunto ng senadora na may kinalaman sa mga mandato at budget ang nangyayaring turf war ngayon.

Ipinunto ni Marcos na handa na ang mga senador na mula sa magkaibang panig ng political fence na aprubahan ang panukala na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Gayunman, kailangan ay maging handa ang Department of Labor and Employment, Department of Foreign Affairs, at Department of Social Welfare and Development na pakawalan ang ilan sa mga attached agencies nito.

Binigyang diin ni Marcos na dinig ng gobyerno ang mga hinain ng OFW’s na umaasang magkakaroon ng one-stop shop para sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi ng senadora na hindi na dapat isinasailalim ang OFWs sa tinukoy nito bilang “merry-go-round” sa mga redundant na opisina mula sa iba’t-ibang departamento at ahensya.

Ipinunto ng senadora na pwedeng pag-isahin ang mga attached agencies upang maiwasan ang mga redundant na pusisyon, mapababa ang gastusin ng mga gobyerno, at mapababa ang oras, effort, at gastusin ng OFWs sa pagkuha ng ayuda mula sa gobyerno.