Defense Sec. Teodoro, patuloy na nakatutok sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa para protektahan ang ating teritoryo at soberenya

Patuloy na nakatutok si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa para protektahan ang ating teritoryo at soberanya.

Kaya ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, walang katotohanan ang mga lumabas na balita sa social media ukol sa diumano’y pagbibitiw sa pwesto ni Teodoro.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Hinimok ni Andolong ang mga nagtatangkang magpalaganap ng walang basehang kasinungalingan na maging maingat at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Hinihikayat din ng DND ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nababasa sa social media na naglalayong maghasik ng pagkakawatak-watak sa mga Pilipino at ilihis ang ating atensyon mula sa tunay na mga hamon na kinakaharap ng bansa.