Pangulong Marcos, nagbigay ng ayuda sa mga mangingisdang naapektuhan ng Bataan oil spill

Bukod sa matinding pag-ulan at pag-bahang dulot ng sama ng panahon nitong Hulyo, ilang barko rin ang lumubog sa karagatan ng Bataan na lubhang nakaapekto hindi lamang sa karagatan kundi pati na rin sa libo-libong mangingisda at kanilang pamilya.

Ito ang ang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang talumpati sa pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda at pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Bataan.

Sa kanyang pagbisita sa Navotas, personal na inabot ng Pangulo ang pinansyal na tulong sa sampung piling benepisyaryo mula sa lungsod at nag-abot ng tsekeng nagkakahalaga ng mahigit 43 milyong piso sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bagamat hindi direktang naapektuhan ng oil spill ang Navotas mula sa paglubog ng MT Terranova, patuloy na nahihirapan ang mga mangingisda sa lungsod dahil sa pagbaba ng farmgate prices ng kanilang huli, dulot ng takot na idinulot ng oil spill.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Samantala, sa huling report ng Philippine Coast Guard, pinaghalong tubig-dagat at konting langis na lamang ang kanilang nakokolekta sa lumubog na barko.

Gayunpaman sinisiguro ng PCG na makokolekta ang lahat ng industrial fuel oil bago isagawa ang salvage operation.

Ngayong araw, magsasagawa sila ng final inspection upang matiyak na narekober na ang lahat ng langis mula sa mga cargo oil tanks, pipelines, at compartments ng barko.