Deception remark ni PBBM, ipinagkibit-balikat ni VP Sara Duterte

Wala nang balak si Vice President Sara Duterte na patulan ang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na pakiramdam niya ay nalinlang siya nito sa usapin ng kanilang pagkakaibigan.

Sa pulong balitaan ngayong araw, sinabi ni VP Sara na bilang pangulo ay wala na dapat panahon si Marcos para ihayag ang nararamdaman dahil wala namang pakialam ang taumbayan.

Araw-araw na aniya siyang binabanatan ng milyun-milyong pisong halaga ng “PR attack” kabilang na ang ginagawang imbestigasyon ng komite sa Kamara ngunit hindi na niya sinasagot dahil mas mahalaga ang pagpapatuloy ng mga programa ng OVP.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Paliwanag ni Duterte, base sa sentimiyento ng mga Davaoeno ay makapal ang mukha ni Marcos, manloloko at demonyo para sabihing nalinlang siya.

Bukod dito, ramdam umano ng mga Pilipino na nawalan ng hustisya ang kanilang boto para sa presidente kaya mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga tunay na suliranin ng bansa.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Samantala, naniniwala ang pangalawang pangulo na nagamit siya ng kampo nina Marcos para manalo sa halalan.

Iginiit ni Duterte na sa gitna ng panggigipit sa kanya ay nakahanda ito kahit hilahin siya pababa ng impiyerno.

Kung bibigyan naman ng marka ni VP Sara ang performance ni Pangulong Marcos, bagsak o 1 out of 10 ang kanyang assessment.