Sa kauna-unahang pagkakataon, niraffle ng Comelec ang party-list groups, organizations, at coalitions, na naghain ng kanilang Certificate of Nomination and Acceptance upang matiyak ang order of listing ng mga ito sa opisyal na balota sa 2025 National and Local Elections.
Ginawa ang raffle sa Chairman’s hall sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Sa 190 nagfile ng CONA, 156 lamang ang nakasama sa balota dahil sa hindi nakakuha ng accreditation sa Comelec ang nasa 30 party list habang ang 4 ay hindi file ng CONA.
Nakuha ng 1Tahanan party list ang numerong 118 sa balota habang ang Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino ang nakakuha ng unang numero sa balota.
Pakiusap naman ng Comelec, na tulungan ang komisyon na ang mga nominado ng party list na magiging miyembro ng kongreso ay bigyang tuon ang RA 7941 o ang Party-List System Act dahil napapanahon nang magkaroon ng pag-aaral at re-examination na magkaroon ng pagbabago sa nasabing batas dahil nasisisi ang komisyon kung paano nila kinokonsidera ang bawat nominees.
Dahil nakasaad raw sa umiiral na batas na kailangan may magfile ng petisyon upang kwestiyunin ang isang nominado at hindi sila basta bastang magcancel ng isang party list organization.