ARAL program, batas na

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos kaninang umaga bilang ganap na batas ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL program upang tugunan ang gaps na naidulot nuong pandemic.

Ang ARAL Law ay kabilang sa priority measures na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council na layong bumuo ng national learning intervention program na naka desinyo upang tulungan ang mga nahihirapang mag-aaral na maka catch-up sa required standards batay sa kanilang grade levels.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Pangungunahan ng Department of Education ang nasabing programa sa pamamagitan sa pag tap sa mga guro, pre-service teacher at maging ang mga estudyante na naka enroll sa teacher degree program ng Teacher Education Institutions.

Naka pokus ang programa para mapabuti ang competencies ng mga estudyante partikular sa essential learning areas kabilang ang reading at mathematics para sa Grade-1 to 10 at sa Science para sa grade 3 to 10.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Para sa kindegarten naka tutok ang ARAL Program sa paghubog sa mga mag-aaral at paigtingin ang kanilang literacy at numerical competencies.

Upang matiyak naman ang pagiging epektibo at accessibility ng mga tutorial sessions isasagawa ito sa tatlong flexible delivery modes, kung saan pwedeng pumili ang mga estudyante ng face-to-face tutorials, online tutorials o di kaya naman ay blended approach.