Decampment ng ilang LGUs sa Mayon evacuees, nagpapatuloy ngayong araw

LEGAZPI CITY – Matapos na magbaba ang Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng decampment advisory noong Oktubre 5, nagkaroon na ng pagpupulong ang ilang LGUs ng mga lugar na apektado ng Bulkang Mayon tungkol sa pagpapauwi ng kanilang mga bakwit.

Sa Tabaco City, nagpapatuloy ang isinasagawang decampment.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Tabaco CDRRMO head Gel Molato, sinabi niya na inaasahan nila na matatapos ngayong araw ang pagpapa-decamp sa lahat ng mga evacuees.

Kaninang alas 8 naman ng umaga, nagsimula na rin ang decampment at general cleaning ng mga IDPs sa Camalig na nanirahan sa iba’t ibang evacuation camps na mula sa mga barangay ng Sua, Tumpa at Quirangay habang hindi pa pinahintulutang i-decamp ang mula sa Anoling.

Samantala, nai-decamp na rin kahapon ang mga evacuees mula sa mga apektadong barangay ng Malilipot.

Sa hiwalay na panayam kay MDRRMO Malilipot head Engr. Alvin Magdaong, sinabi niya na wala nang mga bakwit sa evacuation centers at ngayon ay magsasagawa na lamang sila ng cleaning operation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *