Death toll sa COVID-19 sa Bicol pumalo na sa 1,300

BICOL—Sumampa na sa 1,300 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 16 na panibagong nasawi.

Walo nito ay mula sa Camarines Sur at tig-apat ang Sorsogon at Naga City.

Dahil naman sa patuloy na pagdagdag ng mga kaso ng sakit, umaabot nasa 42,542 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng sakit.

295 ang nadagdag ngayong araw kung saan 140 nito ay mula sa Camarines Sur. 43 ang naitala sa Naga City, 18 sa Nabua, 14 sa Caramoan, tig-12 ang Lagonoy at Pamplona, 11 sa Presentacion, lima sa Ragay, tig-apat ang Pili at San Jose, tigdadalawa ang Calabanga, Camaligan, Canaman, Iriga City at Sipocot at tig-iisa naman ang Baao, Bato, Cabusao, Goa, Ocampo, San Fernando at Tinambac.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang Albay ay may 83 na bagong kaso kung saan 24 nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, 17 sa Daraga, 11 sa Tabaco City, walo sa Polangui, lima sa Guinobatan, tigtatlo ang Camalig at Ligao City, tigdadalawa ang Bacacay, Libon, Manito at Sto. Domingo at tig-iisa ang Malilipot, Malino, Oas at Pio Duran.

43 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 11 nito ay mula sa Sorsogon City, pito sa Castilla, tig anim ang Bulan at Pilar, tigtatlo ang Gubat at Irosin at tig-iisa ang Barcelona, Bulusan, Donsol, Juban, Magallanes, Matnog at Prieto Diaz.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang Catanduanes ay nagtala ng 29 na mga bagong kaso kung saan tigpito ang Bagamanoc at San Andres, anim sa Pandan, apat sa Virac, dalawa sa San Miguel at tig-iisa ang Bato, Panganiban at Viga. Pareho namang zero new case ang Camarines Norte at Masbate.

Samantala, sumampa na sa 28,040 ang total recoveries sa sakit sa rehiyon matapos magtala ng 325 na mga bagong gumaling. 100 nito ay mula sa Naga City, 87 sa Camarines Sur, 50 sa Camarines Norte, 49 sa Masbate, 27 sa Catanduanes at 12 sa Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm