Deadline sa pagrepaso sa mga amyenda CIF, nakatakda sa susunod na linggo

Nakatakda ng magsimula ang pagrepaso sa mga amyenda ng Confidential Intelligence Funds ng iba’t ibang civilian agencies sa ilalim ng Appropriations Bill 2024 sa susunod na linggo.

Ito ay kinumpira ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.

Sabi ni Co, maraming mga item sa badyet na naka-line up para sa mga pagbabago o realignment kabilang ang Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.

Inihayag ng mambabatas na sa October 10 ang deadline para matapos ng Kamara ang pagrepaso ng mga isinumiteng amendments sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa 2024.

Tiniyak naman ni Co, na malalaman ng taong bayan kung ano-anong ahensya ang tatamaan ng re-allocation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *