Deadline sa pag pick-up ng unclaimed UMID cards ipinaalala ng SSS

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang Social Security System (SSS) hinggil sa mga unclaimed Unified Multi- Purpose Identification (UMID) cards.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, hanggang December 29 na lang nitong taon ang pag claim ng mga UMID cards para sa  mga miyembrong nag apply mula August 2017 hanggang December 2020.

Sa pag claim sa SSS Branch ay mangyari lang na magdala ng dalawang valid IDs.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Matapos ang deadline ang mga hindi na- claim ang cards kasama ang mga cards na nasa Philippine Postal Corporation na ibinalik sa SSS idi- dispode base sa SSS retention policy.

Para ma- check ang status ng card application, ang member ay pinapayuhang mag log in sa kanilang My.SSS Portal account sa www.sss.gov.ph at i- click ang “UMID/SSS ID Details” na nasa ilalim ng Member Info Tab.

Kung ang status ay Card Generated, maaaring i- calim ng member ang kanilang UMID sa SSS Branch kung saan sila nag- file.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang mga SSS members ay pinapayuhan ding i- update ang kanilang contact information para sa mga importanteng  notifications mula sa SSS. Simula noong February 2023, ang SSS ay huminto na sa pagtanggap ng applications para sa regular UMID cards pero sa ngayon ay nag- oofer ito ng UMID ATM pay card na ekskulsibo sa mga miyembro nito na mayroong existing UMID cards o pending UMID card applications.