Inilarawan ni dating Senadora Leila de Lima bilang ‘very liberating’ ang pagka-acquit nito sa tatlong drug cases na isinampa laban sa kanya sa ilalim ng Duterte administration.
Ito ay makaraang pagbigyan ng Muntinlupa City RTC Branch 206 ang demurrer to evidence na inihain ng kaniyang kampo.
Ayon kay de Lima, nirerespeto niya ang rule of law sa kabila ng sakit at injustice na kanyang naranasan.
Mensahe niya ngayon kay dating Pangulong Duterte – sila na ang sunod na mananagot sa kasalanan ng mga ito sa taumbayan.
Kasabay nito ay binigyang-diin niya ang libo-libong bilang ng mga pinaslang dahil sa madugong war on drugs.
Sa huli, tiniyak ni de Lima na makikipagtulungan siya sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito hinggil sa ikinasang kampanya kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.