Nanindigan si National Security Adviser Eduardo Año na hindi maituturing na armed attack ang pinakahuling insidente sa Ayungin Shoal na ikinaputol ng daliri ng isang sundalo.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Año na hindi ito pasok sa international definition ng armed attack.
Maging anya sa United Nation’s Charter at Mutual Defense Treaty ay hindi rin nag fa-fall sa definitiion ng armed attack ang naturang insidente.
Subalit binigyang diin ng kalihim na maraming nilabag na international at domestic laws ang People’s Republic of China.
Kabilang anya dito ang paggamit ng illegal force, paglabag sa Convention on Collision at Sea, at SOLAS o International Convention for the Safety of Life at Sea..
Gayundin ang Declaration of Conduct kung saan dapat ang lahat ng member states ay magpapairal ng self restraint at paggamit ng mapayapang paraan sa pag-ayos ng gusot.