BNFM BICOL – HINIKAYAT ng Municipal Agriculture’s Office ng bayan ng San Andres, Catanduanes ang mga nag-aalaga ng hayop patrtikular na ang mga hog raiser sa bayan na magparehistro sa Livestock Mortality Insurance.
Ito ay paghahanda sa posibilidad na kung sakaling mahawaan ang kanilang mga baboy ng African Swine Fever o ASF ay mabilis na makakakuha ng asistensya mula sa pamahalaan.
Tanging ang mga rehistrado lamang sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ng Department of Agriculture ang maaring makatanggap ng asistensya kaya naman bisitahin lamang ang opisina ng MAO San Andres para makapagparehistro. ### Rumer Grant, Intern