DBM, nilabas na ang special risk allowance para sa 20,000 health workers

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of Health (DOH) ang special risk allowance (SRA) para sa 20,000 health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang Senate hearing, sinabi ni Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda na naibalik na ang pera para sa Bayanihan 2 program sa Treasury na siya dapat gagamitin sa SRA ng mga natitira pang health workers.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Subalit nagawan umano nila ng paraan na makahanap ng pondo na nagkakahalaga ng P311 milyong mula sa Miscellaneous and Personnel Benefit Fund (MPBF) ng mga health workers para maibigay ang SRA ng mga ito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kinumpirma naman ito ni Health Secretary Francisco Duque III at sinabing ipapamahagi nila ang pondo sa mga rehiyon at mga ospital.

Inanunsyo ng DBM ang release ng pondo matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong weekend sa DOH at DBM na ibigay na ang allowanced ng mga frontliners sa loob ng 10 araw.