DBM isinumite na ang P5.26-Trillion 2023 proposed national budget sa Kamara

Pormal nang nai-turnover sa House of Representatives ang kauna-unahang proposed budget ng Marcos Administrasyon o ang 2023 National Expenditure Program (NEP).

Sa ginananap na ceremonial turnover ng NEP, tinanggap ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez ang P5.26-Trillion proposed budget mula kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ang 2023 NEP ay naglalaman ng mga proyekto at programang kaakibat ang kanilang mga nakalaang pondo na inaasahang tutugon sa pangangailangan ng sambayanan, at susuporta sa mga prayoridad at adhikain ng pamahalaan.

Singuro naman ni House Speaker Romualdez na ang bawat sentimo sa national budget ay dapat na matalinong inilaan para sa mga programa makakatulong economic recovery ng bansa.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa talumpati ni Pangandaman tiniyak nitong makikipagtulungan sa Kamara sa mga ikakasa nitong budget deliberation.

Umaasa naman ang budget secretary na maipapasa ang pampansang pondo sa Disyembre o bago mag-pasko ngayong taon.