INANUNSYO kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na isang panibagong species ng daga ang nadiskubre sa kabundukang bahagi ng Davao Oriental.
Batay sa ulat, tila kahalintulad ng isang “shrew” ang bagong diskubreng specie ng daga dahil sa pisikal na katangian nito katulad ng mahabang ilong, kulay dark brown at malambot na balahibo at ang maliit nitong mata at tenga.
Pinangalanan itong “Baletemys Kampalili” bilang pagbibigay pugay sa namayapang Filipino field biologist na si Danilo Balete na kilala sa pagkakaroon ng dakilang kontribusyon sa Philippine mammals taxonomy and conservation.
Kaugnay nito, lumalabas sa isang DNA study hinggil sa naturang hayop na hindi related ang naturang daga sa mga species na matatagpuan sa Hilagang bahagi ng bansa kundi sa kapuluan ng Mindanao.### JDR, BNFM BICOL