Datos mula sa PSA hinggil sa populasyon malaking tulong sa sektor ng negosyo at sa decision making lalo na ng mga Local Chief Executives

Naniniwala ang business sector at mga opisyal sa lalawigan ng Camarines Norte na malaking tulong ang datos ng populasyon kapwa sa business sector at sa decision making lalo na ng mga Local Chief Executives (LCEs).

Sa isinagawang 2020 Census of Population and Housing (CPH) Provincial Data Dissemination Forum kahapon ay ibinahagi ng dalawang discussant ang gamit ng mga datos.

Ayon kay Marianne Giovanna Berzuela, Pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry- Camarines Norte Chapter, napaka “crucial” sa sektor ng negosyo ang mga datos ng PSA lalo na ang tungkol sa populasyon.

Aniya, magagamit ang 2020 Census of Population and Housing sa pagdedesisyon sa pagbubukas man o pagpapalawak ng negosyo, consumer demands, labor, production of goods and services pagtukoy sa uri ng negosyo at iba pa.

Binigyang diin ni Berzuela na isa ang populasyon sa pangunahing konsidreasyon ng mga negosyante sa pagtatayo ng negosyo.

“The data can help you in the determination of consumer demands and so guide of labor for the production of goods and services and the identification of business types,” ani Berzuela.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

“Definitely the data of the 2020 Census of Population and housing is very crucial for the business sector and it can make or break a business.”

“You certainly have one thing in common, we can use the PSA 2020 census of population and housing statistics to help guise you in making sound decisions for your business.”

Ang Philippine Chamber of Commerce and Industry- Camarines Norte Chapter ay binubuo ng mga negosyante sa lalawigan kasama na ang mga micro, small and medium enterprises mula sa iba’t- ibang sektor ng local economy.

Sa panig naman ng LGU, sinabi ni Jose Panganiban Mayor Ariel Non na malaking bagay sa kanila ang datos lalo na sa pagpapalano kung ano ang makakabuti sa kanilang mga constituents sa usapin ng iba’t- ibang serbisyo at programa lalo na sa disaster response.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

“Critical sa aming mga Local Chief Executive sa aming decision making for good governance, development planning, risk reduction, and crisis response, social welfare programs.”

Noong nakatalikod na buwan ay opisyal na prinoklama ni Pangulong Rodrigo Duterte ang populasyon ng bansa na umabot na sa 109, 035, 343.

Sa Camarines Norte naitala ang kabuuang 629, 699 na populasyon o tumaas ng nasa 46, 386 na katao mula sa 583, 313 noong 2015.

Batay sa datos nakapagtala ng 1. 62 % annual population growth rate ang lalawigan mula 2015- 2020 na mas mataas  sa 1. 38 % noong 2010- 2014.

Muli namang nagpasalamat si  Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao sa lahat ng stake holders dahil umano sa suporta at kooperasyong ibinigay ng mga ito na sa kabila ng pandemya ay matagumpay ang mga kinakailangang datos hinggil sa populasyon ng lalawigan.