Dating WESCOM chief Alberto Carlos – aminadong nagkaroon ng phone call sa kasama ang isang Chinese official

Inamin ni dating Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP-WESCOM) chief Vice Adm. Alberto Carlos na nagkaroon sila noong New Year ng isang phone call kasama ang isang opisyal ng Chinese Embassy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense hinggil sa naturang ‘phone call’ at ang posibleng paglabag nito sa Anti-Wiretapping Law, ibinahagi ni Carlos na tinawagan siya noong Enero ng isa umanong Chinese military attache.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila niyan – nanindigan si Carlos na walang pinag-usapan at napagkasunduan na ‘new model’ sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Carlos, pinagpa-planuhan daw kasi ang susunod na resupply mission at ipe-presenta niya ang susunod na operation plan ng Ro-Re sa pamamagitan ng isang executive session.

Una sa lahat, wala raw siyang authorization para pumasok sa isang kasunduan.

Hindi rin daw siya nagpanggap na mayroong otoridad na magkaroon ng agreement sa mga polisiya ng Gobyerno.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sabi ni Carlos, ang pinag-usapan lang ay ang mga paraan para mabawasan ang tensyon sa WPS.

Hindi rin umano siya nagbigay ng pahintulot para i-record ang kanilang usapan.

Aniya, malinaw na mayroong pag-twist sa kanilang naging pag-uusap para palabasing mayroong agreement sa pagitan niya, at ng China.

Nagtagal ang phone call ng tatlo hanggang limang minuto.