Dating VP aspirant Walden Bello, inaresto dahil sa kasong cyber libel

Inaresto ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) si dating Vice Presidential (VP) candidate Walden Bello, dahil sa cyber libel case.

Ayon sa staff nito na si Leomar Doctolero, ang pag-aresto kay Bello ay nangyari sa kanyang tahanan sa Quezon city, kahapon ng hapon, na may kaugnayan sa kasong inihain ni dating Davao City Chief Information Officer Jefry Tupas.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Matatandaan na naghain si Tupas ng reklamo laban sa defeated VP bet sa Office of the City Prosecutor sa Davao, matapos siyang tawaging “drug dealer” sa isang online press conference, na naka-air din sa Facebook page noong Marso.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, inihayag ng kampo ni Bello na inaasahan na nila ang arrest warrant, dahil sa indictment ng Davao Prosecutor.

Noong Abril, ang maghain ang dating VP aspirant ng kanyang counter-affidavit sa P10-million case na inihain laban sa kanya, at nanindigang walang basehan ang naturang kaso.