Dating Vice Pres. Robredo, binisita ang Angat Buhay Village sa Guinobatan, Albay

LEGAZPI-Personal na bumisita si dating presidente Leni Robredo sa itinayong Angat Buhay Village sa ng Guinobatan, Albay.

Ito ay kaugnay ng pormal pag turn-over sa benepisyaryo ng 100 housing units.

Kung matatandaan, ang naturang benepisyaryo ay ang mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa pagdausdos ng lahar mula sa Bulkang Mayon sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly noong 2020.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa post naman nang dating bise presidente, natutuwa siya na makita na paunti-unti nang nakakabangon ang mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Aniya, parang kalian lang ang sinagawang konstruksyon at kasama umano sya sa pinakaunang nagbuhos ng semeneto at mgatauhan ng Office of the vice president.

“”Happy to see that these families have started rebuilding their lives here, after losing their homes to lahar flow during Typhoon Rolly. Parang kailan lang, Day 1 pa lang ng construction, at kasama ako at ang OVP family sa mga nagbuhos ng semento sa mga unang units na bubuuin.” ayon kay Robredo

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Nagpasalamat naman ang ilang residente sa nasabing tulong dahil sa tuwing may kalamidad, karamihan sa mga residente ang nagsisilikas at minsan ay wala ng nababalikan dahil tinatangay na ng baha.