LEGAZPI CITY – Dead on spot ang lalaki na nagpapautang at dating seaman matapos pagbabarilin ito ng di kilalang mga lalaki sa Purok 4 Barangay Tinago lungsod ng Ligao.
Kinilala ang biktima na si Pedro Talavera Mantes, 59 anyos residente ng Purok 2, Brgy. Layon ng nasabing lungsod.
Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay PLt.Col. Arvin Gamboa, ang OIC Chief of Police ng Ligao Municipal Police Station sinabi nito, galing ang mag-asawa sa kanilang pinapagawaang bahay ng umalis ito sakay ng kanilang tricycle kahapon ng umaga kasama ang kanilang anak na kung saan hindi pa nakakalayo sa kanilang pinapaayos na tirahan ay nasiraan ito ng nasabing sasakyan dahilan para ito huminto.
Ayon pa kay Gamboa, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang suspek na lapitan ang biktima na kung saan ay pinagbabaril si Mantes habang ito ay pinapaandar ang nasabing sasakyan .
Agad naman tumakas papalayo ang mga suspek sa di malamang direksyon.
Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.
Ayon sa Hepe naghihintay pa ng witness ang mga ito sa nasabing insedente upang mahuli agad ang mga salarin.
Maliban pa rito, naghahanap din ng mga cctv cameras sa nasabing lugar upang madaling matukoy ang mga suspek.
Sinabi ng opisyal, malalimang imbestigasyon ngayon ang ginagawa ng mga kapulisan sa insedente.
Hindi rin masabi ng awtoridad kung ito ay may kinalaman sa kanyang pinagnenegosyo na pautang.
Sa ngayon ay naghihintay na lamang ang mga kapulisan na makausap ang asawa ng biktima upang makutulong at makakuha ng karagdagang impormasyon sa insidente.