DOLE Sec. Laguesma, dinepensahan ang sarili matapos tawaging ‘unpopular labor secretary’

Sinagot ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Bienvenido Laguesma ang naging paratang ni Senate President Migz Zubiri na kinokontra umano nito ang wage hike, at isa na rin itong ‘unpopular labor secretary.’

Sa panayam ng Brigada News FM kay Laguesma, nilinaw nito na hindi naman niya tinututulan ang pagpapatupad ng taas-sahod sa mga manggagawa.

Mariing sinabi ni Laguesma na hindi nila tungkulin ang mag-reject ng mga mungkahi.

Aniya, ang misyon ng DOLE ay ang magpatupad ng batas sa sandaling maisapinal na ito.

Sa huli, binigyang-diin din ng opisyal na tungkulin nilang balansehin ang magiging sitwasyon upang magpatuloy ang pagkakaroon ng mas maraming hanap-buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *