Dating PDEA agent Jonathan Morales – tinawag na ‘professional liar’ ni Pangulong Marcos

Inihalintulad ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang ‘jukebox’ ang dating investigation agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Jonathan Morales.

Si Morales ang humarap sa imbestigasyon sa Senado hinggil sa umano’y ugnayan ng Pangulo, at ng aktres na si Maricel Soriano sa iligal na droga.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa ambush interview sa GenSan – sinabi ni Marcos na isang ‘professional liar’ si Morales.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Aniya, para lang itong isang ‘jukebox’ na kakanta basta’t mahulugan ng pera.

Kuwestiyonable na rin daw ang kaniyang record dahil mayroon na raw itong history ng false testimony.