Dating pangulong Fidel V Ramos, inihatid na sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani

Naihatid na sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ang urn ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

Suot-suot ang mga puting damit, sinalubong ng mga taga-suporta ni Ramos, pati na rin ng mga miyembro ng Boy Scout of the Philippines sa Taguig ang convoy ng karo nito mula sa Heritage Park papunta sa presidential gravesite.

Alas-diyes y medya nang isagawa ang Full Military Honors kasama ang isang brigada ng mga sundalo.

Kabilang sa mga military host ay sina AFP chief-of-staff Hen. Bartolome Vicente Bacarro, at sina Lt. Gen. Romeo Brawner ng Philippine Army, Lt. Gen. Connor Anthony Canlas ng Philippine Airforce, at Vice Adm. Adelius Bardado ng Philippine Navy.

Inalalayan nito si dating first lady Amelita Ramos papunta sa gravesite at ang anak nito ang nagbitbit ng urn ni Ramos mula sa casket.

Isinagawa ang Brigade Salute, 21 gun salute, at ang tradisyunal na pagtutupi ng Watawat ng Pilipinas ng mga pall bearers bago i-turnover sa mga military host na si AFP chief Bartolome.

Pinatugtog din ng AFP Band ang paboritong kanta ni FVR na ‘Alerta Filipinas’, ‘Maalaala Mo Kaya’, ‘How Great Thou Art’ na Protestant Hymn, at ang Filipino version ng ‘The Lord’s Prayer’ ni Fr. Eduardo Hontiveros.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Personal ding dumalo sa State Funeral si Pangulong Bongbong Marcos kasama ang mga naulila ni FVR na nag-alay ng mga bulaklak bago ang pormal na pagse-seal ng gravesite.

Si Ramos ang ika-labing dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.

Mga dating nakatrabaho ni FVR, sinariwa ang mga naiambag nito sa bansa

Sinariwa ng mga dating nakatrabaho ni dating pangulong Fidel V Ramos kung papaano ito naging ‘selfless’ sa kanyang ilang dekadang pagse-serbisyo sa Pilipinas mula nang ito ay maging sundalo, ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, hanggang sa maging isang ‘Citizen Eddie’

Sa panayam, sinabi ng kanyang dating DILG secretary na si Rafael Alunan III na ipinakita ni Ramos ang pagiging isang tunay na lider at ropersyunalismo.

Ang pagiging ‘selfless’ nito ay ang siyang naging pinakalegasiya ni FVR sa mga Pilipino.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Inalala rin ni Alunan kung papaanong nakamit ni Ramos ang kapayapaan sa ilang mga lugar sa bansa matapos nitong wakasan ang umiiral na armed conflict sa MNLF.

Para naman sa kanyang dating aid de camp na si Dencio Acop, inilawaran niya bilang hands on ang dating pangulo.

Sa isang panayam, sinabi ni Acop na itinuturing umano niya si FVR bilang isang workaholic na tao, competent, at matalino.

Alam umano ni Marcos kung ano ang solusyon sa bawat mga problemang kahaharapin nito.

Santo Papa, nagpaabot ng pakikiramay kay FVR

Nakiisa ang Santo Papa sa pakikidalamhati ng bansa sa pagpanaw ni dating pangulong Fidel V. Ramos.

Sa mensahe ni Pope Francis bago ang ihatid si FVR sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani ngayong tanghali, iinaabot ng Santo Papa ang pakikiramay sa buong Pilipinas at sa mga naulila nito.

Tiyak din aniya ang panalangin para sa namayapang pangulo.

Samantala, dumating din sa Libingan ng Bayani si Papal Nunco Charles Brown para makidalamhati at magpaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni FVR.
#