PNP, nananatiling matatag sa kabila ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa drug war

Nananatiling matatag ang Philippine National Police sa kabila ng mga isyung nagdadawit sa ilang pulis ssa kontrobersyal na war on drugs ng nagdaang administrasyon.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, maituturing na malungkot na yugto kanilang hanay ang pagkakasangkot ng ilang pulis sa sinasabing reward system at ang kaso ng pagpatay na may kaugnayan dito.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa kabila nito, kumpiyansa silang malalampasan ang isyung ito at kailangang bumawi sa paraang hindi nito pagtatakpan ang sinumang pulis na nagkasala.