Dating Pang. Duterte nagpakita sa social media live stream ni Sen. Go

Pinasinungalingan ni Sen. Christopher Bong Go sa kanyang live stream sa social media ang mga kumakalat na pumanaw na umano si dating Pang. Rodrigo Duterte.

Ito’y kasunod ng paglabas ng video sa ilang social media platforms na nagsasabing patay na ang dating lider ng bansa.

Read More:  Atty. Poa ready to testify in Sara Duterte impeachment trial

Samantala, inihayag din ng  senador  na suportado niya ang mga Duterte at ang mga kapwa niya Davaoeños pero ang loyalty umano niya ay palaging sa sambayanang Pilipino.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Kasunod ito ng mga patama sa kanya ni Mayor Baste Duterte dahil sa pananahimik umano sa mga isyu sa kanyang hometown na Davao City.