CAMARINES NORTE – Nakatakdang magsagawa pa ng satellite registration ang Commission On Elections sa iba’t-ibang Barangay sa Camarines Norte bago matapos ang Hunyo.
Batay sa inilabas na schedule ng Comelec Provincial Office magsasagawa ngsate;ite registration sa Barngay Calasgsan sa bayan ng Daet ngayong araw, June 21, Bagacay sa Labo, Mampungo sa Paracale, Poblacion District II sa San Vicente gayundin sa Barangay Bagong bayan sa Jose Panganiban.
Sa June 22 ay sa Barangay San Rafael at June 25 sa Barangay Sta Elena pareho sa Jose Panganiban.
Nakatakda ring tunguhin ng Comelec para sa satellite registration ang mga Maot buks, June 22, Matanlang sa June 28 at Masalong sa June 29.
Patuloy na hinihimok ng Comelec ang mga hindi pa nagpaparehistro na magparehistro na at huwag nang hintayin ang September deadline.
