Dating Maguindanao Gov. Datu Sajid Islam Ampatuan – hinatulang guilty

Hinatulan ng guilty sa graft and malversation of public funds ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan.

Sa naging desisyon, sinentensyahan ng Sandiganbayan si Ampatuan ng indeterminate penalty na pagkakakulong ng mula 8 taon at isang buwan, hanggang 12 taon matapos lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Para naman sa malversation of public funds, pinatawan ang dating gobernador ng reclusion perpetua, at pinagbabayad ito ng piyansang katumbas ng P393M.

Read More:  ‘Sigabo’ production attends MTRCB compliance seminar

Kaparehong halaga rin ang kailangan nitong ibayad sa gobyerno na may interest na 6% per annum.

Ang kaso ni Ampatuan ay kaugnay ng P400 million na public funds para sa konstruksyon o rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa Maguindanao na hindi naman naipatupad.