Wala pang indikasyon na nakatawid sa Basilan at Sulu ang mga dumukot sa American National sa Sibuco, Zambonga del Norte.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo , mahigpit ang ugnayan ng Police Regional Office 9 at Police Regional Office Bangsamoro maging ang binuong Crisis Incident Management Task Group at tiniyak na hindi makakalabas sa Zamboanga del Norte ang mga kidnappers.
Maaalalang sa naunang ulat ng pulisya, dinukot ang dayuhan saka isinakay ng bangka patungong Sulu at Basilan noong Huwebes ng gabi.
Isa sa dalawang Persons of interest ang may composite sketch ngunit hindi pa inilabas ng pulisya habang nagsasgaawa ng back tracking at operational research upang malaman kung mayroong kinaaanibang local terrorist group ang mga ito sa rehiyon.
Isa sa POIs ang may composite artist sketch na pero tumanggi munang ilabas ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.